^

PM Sports

Bounce back win target ng Choco Mucho at Capital1

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ang pagbangon mula sa kabiguan ang pakay ng Choco Mucho at Capital1 Solar Energy sa kanilang du­welo sa 2026 Premier Volleyball League All-Fi­lipino Conference sa FilOil Centre sa San Juan City.

Magtutuos ang Flying Titans at Solar Spikers nga­yong alas-4 ng hapon ka­sunod ang salpukan ng Creamline Cool Smashers at ZUS Coffee Thunderbelles sa alas-6:30 ng gabi.

Nagmula ang Choco Mu­cho sa 25-27, 25-17, 21-25, 15-25 pagsuko sa Creamline, habang nakalasap ang Capital1 ng 20-25, 16-25, 25-22, 17-25 kabi­gu­an sa PLDT sa kanilang mga huling laro.

Parehong may 1-2 ba­raha ang Flying Titans at So­lar Spikers.

Muling aasahan ng Choco Mucho sina Sisi Rondina, Dindin Mana­bat Kat Tolentino, Jaila Atienza, Des Cheng at Tia Andaya.

Nagkaroon si Eya Lau­re ng groin at abdominal issue sa kanilang kabiguan sa Creamline at posibleng hindi makalaro.

Isasalang naman ng Ca­pital1 sina Bella Belen, Sha­ya Adorador, Pauline Gaston, Jasmine Nabor, Ezra Madrigal at Cherry Nu­nag.

“Siyempre, despite the loss, nakita ko naman na lu­maban ‘yung team,” ani Belen sa pagkatalo nila sa PLDT. “Kumbaga, mayro­ong glimpse na kaya, kaya sana ng team.”

Samantala, ang ikala­wang sunod na panalo ang kapwa target ng Cool Smashers at Thunderbelles.

Umiskor ang Creamline sa Choco Mucho, 27-25, 17-25, 25-21, 25-15.

Wagi naman ang ZUS Coffee sa Akari, 16-25, 25-18, 18-25, 25-23, 15-12.

May 1-1 baraha ang Cool Smashers kumpara sa 1-2 marka ng Thunderbelles.

CAPITAL1

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with