^

PM Sports

Ensayo ng Gilas raratsada na

Chris Co - Pang-masa
Ensayo ng Gilas raratsada na
Gilas Pilipinas head coach Tim Cone
FIBA

MANILA, Philippines — Aarangkada na ang pukpukang training camp ng Gilas Pilipinas sa Lunes bilang preparasyon sa second window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers na lalarga sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Target ni Cone na makumpleto agad ang Gilas Pilipinas pool para agad na maumpisahan ang ensayo nang sama-sama.

Ilan sa mga inaabangang darating ang mga players na naglalaro sa Japan B.League at Korean Basketball League.

Ilan dito ay sina Carl Tamayo at Kevin Quiambao na imports sa Korean Basketball League habang inaasahang darating na rin sina Dwight Ramos, AJ Edu at Quentin Millora-Brown na naglalaro naman sa Japan B.League.

Unang practice sessions ng Gilas ay gagana­pin muna sa Upper Deck Gym sa Pasig City upang maikundisyon muna ang mga katawan ng players.

Matapos nito, tutulak ang team sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna para sa mas ma­tinding training camp.

“We will go into I­nspire when the team is totally intact which is around the 20th, although we will begin practice earlier on the 16th with those already in Manila,” ani Cone.

Puspusan ag gagawing paghahanda ng Gilas Pilipinas dahil mapapalaban ito sa dalawang bigating teams sa second window.

Una na ang pagharap ng Gilas sa New Zealand sa Pebrero 26 kasunod ang Australia sa Marso  1.

Wala pang linaw kung makalalaro si Kai Sotto na binabantayan pa rin ang kanyang kalagayan dahil galing ito sa ACL injury.

Kaya naman inaasa­hang kakayod ng husto ang iba pang bigmen ng Gilas kabilang na sina Millora-Brown, Edu at Tamayo kasama si veteran slotman June Mar Fajardo.

CONE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with