^

PM Sports

Abueva sa Converge na

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Abueva sa Converge na
Nakuha ng FiberXers ang batikang manlalaro mula sa Titan Ultra kapalit nina King Caralipio, Mark Omega at Rey Suerte, sa 1-on-3 trade ng dalawang koponan na aprubado na ng PBA Commissioner’ Office.
PBA photo

MANILA, Philippines — Nakabingwit ng malaking piyesa ang Converge sa katauhan ng beteranong forward na si Calvin Abueva upang palakasin ang puwersa nito sa tangkang higanti sa papalapit na PBA Season 50 Commissioner’s Cup.

Nakuha ng FiberXers ang batikang manlalaro mula sa Titan Ultra kapalit nina King Caralipio, Mark Omega at Rey Suerte, sa 1-on-3 trade ng dalawang koponan na aprubado na ng PBA Commissioner’ Office.

Sakto ang naging palitan sa ika-38 na kaarawan ni Abueva kahapon na magkakaroon ng bagong tahanan sa bagito subalit papaangat na Converge team.

Higit pa roon, reunion ito kung maituturing para kay Abueva at Converge head coach Delta Pineda.

Si Pineda, na kasalukuyang vice governor ng Pampanga, ang naka-diskubre at nagsanay sa sandamakmak na PBA at Gilas Pilipinas stars ngayon bilang kanilang unang coach kabilang na si Abueva.

Inaasahan ang karanasan at kalibre ni Abueva sa Converge lalo’t kagagaling lang niya sa pambihirang Philippine Cup campaign para sa bago ring koponang Giant Risers na siyang pumalit sa NorthPort.

Si Abueva, 2-time Best Player of the Confe­rence, ang naging scoring champion ng All-Filipino tournament sa likod ng rehistrong 23.60 puntos sahog pa ang 11.90 rebounds at 3.60 assists.

Ito na ang magiging ika­limang koponan sa PBA ni Abueva matapos mapili bilang 2nd overall pick ng Alaska sa likod lang ni 9-time PBA MVP June Mar Fajardo ng San Miguel sa bigating draft class noong 2012.

Bukod sa Alaska, kung saan niya napalunan ang kaisa-isa niyang PBA championship, ay naglaro din ang Kapampangan pride sa Phoenix at Magnolia tsaka sa Titan Ultra (NorthPort) at ngayon ay Converge.

CALVIN ABUEVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with