^

PM Sports

Bucks sinapawan ng Nuggets

Pang-masa
Bucks sinapawan ng Nuggets
Sumalaksak si Denver Nuggets guard Bruce Brown laban kay Myles Turner ng Milwaukee Bucks.
STAR/ File

MILWAUKEE - Ku­ma­mada si Julian Straw­ther ng season-high 20 points at nagtayo ang Den­ver Nuggets ng isang 23-point lead bago itakas ang 102-100 panalo laban sa Bucks.

Mula sa 63-86 pagka­kabaon ay nakadikit ang  Mil­­waukee (18-96) sa 97-99 galing sa three-point shot ni Ryan Rollins sa hu­ling 29.3 segundo ng fourth quarter.

Nakalayo ang Denver (31-15) sa 101-97 matapos ang dalawang free throws ni Tim Hardaway Jr. sa natitirang 10.6 se­gun­­do.

Muling kumonekta ng triple si Rollins para sa 100-101 agwat ng Bucks sa nalalabing 5.4 se­­gundo.

Ang split ni Jalen Pickett sa huling 4.5 se­gun­do ang nagbigay sa Nuggets ng 102-100 kala­mangan.

Mintis naman ang des­­peradong tira ni Kyle Kuz­ma sa posesyon ng Milwaukee.

Iniskor ni Rollins ang 15 sa kanyang 21 points sa fourth quarter, habang tu­mipa si Giannis Anteto­kounmpo ng 22 points, 13 rebounds at 7 assists.

Naglalaro ang Denver na wala si three-time MVP Nikola Jokic na hu­ling sumalang noong Disyembre 29 kung saan siya nagkaroon ng bone bruise sa kaliwang tuhod sa first half.

Sa iba pang laro, ginu­lantang ng Indiana Pa­cers ang nag­dedepensang Oklaho­ma City Thunder, 117-114; pinulutan ng Toronto Rap­tors ang Port­land Trail Blazers,  110-98; pinabagsak ng New Orleans Pe­licans ang Memphis Griz­zlies, 133-127; at pinasabog ng Houston Rockets ang Det­roit Pistons, 111-104.

JULIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with