QMB lalaro sa B. League
MANILA, Philippines — Imbes na sa PBA ay mas pinili ni Gilas Pilipinas big man Quentin Millora-Brown na maglaro sa Japanese league.
Ipinakilala ng Chiba Jets ang 6-foot-10 center bilang bago nilang miyembro para palakasin ang kampanya sa second half ng Japan B.League season.
Isa si Millora-Brown sa mga naging susi sa paghahari ng University of the Philippines Fighting Maroons sa UAAP.
Isinuot niya ang Gilas Pilipinas jersey sa November window ng 2027 FIBA World Cup Asian qualifiers kung saan siya nagtala ng mga averages na 7.5 points at 9.5 rebounds sa isang two-game series laban sa Guam.
Umaasa ang Chiba Jets na matutulungan sila ni QMB na lalo pang mapaganda ang hawak na 24-6 record sa B.League.
Makakasama ni Millora-Brown sa Jets sina Akatsuki Five staple Yuki Togashi at dating NBA guard Yuta Watanabe.
- Latest






















