Nets tinambakan ng Knicks
NEW YORK — Tinapos ng Knicks ang kanilang four-game losing slump matapos tambakan ang Brooklyn Nets, 120-66, sa pinakamalaki nilang kalamangan sa franchise history.
Umiskor si Jalen Brunson ng 20 points at may 18 markers si Landry Shamet tampok ang anim na tres para sa New York (26-18) na nilampasan ang nauna nilang largest victory margin na 48 points.
Ito rin ang kanilang ika-13 sunod na panalo sa duwelo nila ng Brooklyn (12-30).
Humataw ang Knicks ng isang 16-0 atake sa pagbubukas ng fourth quarter patungo sa pagtatala ng 32-point lead, 104-56.
Pinamunuan ni Michael Porter Jr. ang Nets, nalasap ang pang-walong talo sa huli nilang siyam na laro, sa kanyang 12 points.
Isang 14-0 ratsada ang ginawa ng New York sa first period para kunin ang 18-6 bentahe na kanilang tinapos sa 14-3 bomba para iwanan an Brooklyn sa 38-20.
Tinangay ng Knicks ang 60-38 halftime lead at umiskor ng 60 points sa second half kumpara sa 28 markers ng Nets.
Sa iba pang laro, wagi ang nagdedepensa Oklahoma City Thunder sa Milwaukee Bucks, 122-102; tinalo ng Detroit Pistons ang New Orleans Pelicans, 112-104; tinakasan ng Atlanta Hawks ang Memphis Grizzlies, 124-122 at giniba ng Boston Celtics ang Indiana Pacers, 119-104.
- Latest

















