Belga ‘di iiwan ang Elasto Painters
MANILA, Philippines — Pumirma kahapon si veteran center Beau Belga sa isang one-year contract para sa kanyang ika-15 season sa Rain or Shine.
Nagsimulang maglaro ang 39-anyos na produkto ng Philippine Christian University Dolphins sa Elasto Painters noong 2011 matapos isuot ang mga uniporme ng Purefoods, Burger King at Meralco.
Sa kanyang 14 seasons sa Rain or Shine ay naging bahagi ang 6-foot-5 na si Belga ng dalawang PBA championships at anim na finals appearances.
Kailangan ng Elasto Painters ang serbisyo ni Belga matapos magkaroon si 6’8 slotman Keith Datu ng ruptured right patellar tendon injury sa Season 50 PBA Philippine Cup.
Bukod pa rito ang pagreretiro ni veteran forward Gabe Norwood na tumatayong assistant ni coach Yeng Guiao.
Naglista si Belga ng mga averages na 2.3 points at 2.5 rebounds sa All-Filipino conference para sa Rain or Shine na sinibak ng Meralco sa quarterfinal round.
- Latest

















