^

PM Sports

Pacers umeskapo sa Celtics

Pang-masa
Pacers umeskapo sa Celtics
Ang reaksyon ni Pacers guard Aaron Nesmith matapos maka-iskor laban sa Celtics.

INDIANAPOLIS — Kumamada si Pascal Siakam ng 21 points, kasama ang isang krusyal na seven-foot bank shot sa huling 6.1 segundo, para sa 98-96 pagtakas ng Indiana Pacers laban sa Boston Celtics.

May walong rebounds at anim na assists din si Siakam habang nag-ambag si Jay Huff ng 20 points, tampok ang apat na three-pointers, para sa ikatlong sunod na ratsada ng Pacers (9-31).

Mintis ang isang go-ahead 3-point attempt ni Derrick White sa huling posesyon ng Boston (24-15) matapos niyang itabla ang tropa sa 96-96 mula sa isang driving layup sa huling 28.6 segundo.

Naglaro ang Pacers na wala si forward Bennedict Mathurin (17.8 points per game) sa pang-limang sunod na pagkakataon dahil sa isang thumb injury.

Pinamunuan ni Payton Pritchard ang Celtics sa kanyang 23 points at may 18 at 16 markers sina White at Anfernee Simons, ayon sa pagkakasunod.

Hindi naglaro si Boston leading scorer Jaylen Brown (29.5 points average) bunga ng lower back spasms nito.

Ito ang simula ng four-game trip ng Celtics na pangatlo sa Eastern Conference sa ilalim ng Detroit Pistons (28-10) at New York Knicks (25-14).

Sa iba pang laro, panalo ang Sacramento Kings sa Los Angeles Lakers, 124-112; dinaig ng LA Clippers ang Charlotte Hornets, 117-109; wagi ang Utah Jazz sa Cleveland Cavaliers, 123-112 at tinalo ng Philadelphia 76ers ang Toronto Raptors, 115-102.

PASCAL SIAKAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with