Thompson umukit ng kasaysayan
MANILA, Philippines — Umukit ng kasaysayan si Scottie Thompson hindi lang para sa Barangay Ginebra upang mahirang na unanimous choice bilang PBA Pres Corps Player of the Week sa kasagsagan ng umiinit na Season 50 PBA Philippine Cup.
Tinabo ni Thompson ang unang 30-point triple-double sa PBA sa lagpas 33 dekada.
Kumamada ng 35 points si Thompson sahog pa ang 11 rebounds at 11 assists upang trangkuhan sa 105-91 panalo ang Gin Kings kontra sa reigning champion San Miguel Beermen sa Game Four ng kanilang semis series.
Ito ang unang triple-double na may 30 points o higit pa ang isang local player sa loob ng 33 taon o simula nang naglista ng 30 points, 15 rebounds at 14 assists si Johnny Abarrientos sa 103-115 pagkatalo ng Alas kontra sa Swift noong 1993 All-Filipino Conference.
Huli ring nakagawa nito si Ronnie Magsanoc nang humakot ng 32 points, 13 rebounds at 18 assists para sa 155-108 panalo ng Shell kontra sa Pepsi noong PBA 1990 All-Filipino Conference.
Sa kabuuan ay nagtala ang 32-anyos na si Thompson ng 20.8 points (56 percent field goal), 7.5 rebounds at 5.8 assists sa tatlong laro para makuha ang lingguhang parangal ng national print at online media.
- Latest


















