Jazz minasaker ng Hornets

SALT LAKE CITY — Umiskor si Brandon Miller ng 18 points habang may 17 markers si LaMelo Ball at nagposte ang Charlotte Hornets ng 47-point lead sa first half patungo sa 150-95 pagmasaker sa Utah Jazz.
Bumangon ang Hornets (14-25) mula sa dalawang dikit na talo sa Toronto Raptors at sa Indiana Pacers.
Nag-ambag si Tre Mann ng 20 points mula sa bench at may tig-15 markers sina Miles Bridges at Collin Sexton.
Nagposte pa ang visiting team ng isang 57-point advantage sa second half.
Binanderahan ni Brice Sensabaugh ang Jazz (13-25) sa kanyang 26 points habang ipinahinga sina leading scorer Lauri Markkanen at injured starting center Jusuf Nurkic.
Ang dalawang sunod na three-point shots ni Williams, huling naglaro noong Nobyembre ng 2024 dahil sa right knee surgery, ang nagpasimula ng 23-2 atake ng Charlotte para ilista ang 39-8 abante sa first period.
Hindi nakaiskor ang Utah sa loob ng limang minuto at tuluyan nang nahulog sa 17-point deficit.
Matapos kunin ang first quarter, 45-14, ay itinala ng Hornets ang 77-30 kalamangan mula sa triple ni Bridges sa huling 1:41 minuto ng third quarter.
Sa iba pang laro, tinalo ng Cleveland Cavaliers ang Minnesota Timberwolves, 146-134; panalo ang Indiana Pacers sa Miami Heat, 123-99; nagwagi ang Los Angeles Clippers sa Detroit Pistons, 98-92; dinaig ng San Antonio Spurs ang Boston Celtics, 100-95; at pinabagsak ng Chicago Bulls ang Dallas Mavericks, 125-107.
- Latest


















