Palma magiging unang PVL playing assistant coach
MANILA, Philippines — Tinapos ni veteran Remy Palma ang kanyang apat na taong paglalaro sa Petro Gazz para pumirma sa Strong Group Athletics (SGA).
Sa paglagda niya sa SGA management ay tatayong kauna-unahang PVL playing-assistant coach ang 30-anyos na middle blocker alinman sa Farm Fresh o ZUS Coffee para sa darating na 2026 Premier Volleyball League (PVL) All--Filipino Conference.
Nauna nang pumirma sa SGA si veteran setter Chie Saet matapos ang seven-year stint sa Gazz Angels.
Sina Palma at Saet ay bahagi ng PNVF Champions League-winning squad noong 2024.
Wala na rin sa Petro Gazz sina Joy Dacoron at Marian Buitre.
Si Palma ang pang-pitong PVL player na lumagda sa SGA matapos sina Saet, Cess Robles, Karen Verdeflor at Ren Peñafiel ng nabuwag nang Chery Tiggo at Royse Tubino at Bia General ng Choco Mucho.
Maaari silang maglaro alinman sa Foxies o Thunderbelles.
- Latest























