^

PM Sports

Riot sa semis sisiklab ngayon sa Big Dome

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Riot sa semis sisiklab ngayon sa Big Dome
Scottie Thompson of Ginebra defies Converge defense Thursday at the Smart Araneta Coliseum.
PBA IMAGE

MANILA, Philippines —  Tuloy ang pasabog sa Bagong Taon tampok ang natitirang 4 na koponan sa paglarga ng PBA Season 50 Philippine Cup semifinals ngayon sa Smart-Araneta Coliseum.

Bida sa unang sultada ang Meralco at Talk ‘N Tex sa alas-5:15 ng hapon na susundan ng sabong sa pagitan ng Barangay Ginebra at reigning champion na San Miguel sa alas-7:30 ng gabi.

Nakataya sa duwelo ang binyag sa inaasahang dikdikang best-of-seven Final Four series kaya walang kapa-kapatid para sa parehong sister teams subalit mahigpit ding magkaribal.

“We know them. They know us. And we took them to seven games last time. We’re going to try to flip the script this time around,” ani Gin Kings coach Tim Cone sa ha­ngaring resbak sa Beermen matapos yumukod sa Game 7 ng Season 49 All-Filipino semis.

Nagkaroon ng tsansa ang No. 4 seed Ginebra na hamunin ulit ang No.1 na SMB matapos burahin ang twice-to-beat advantage ng Converge sa quarterfinals na tinuldukan ng game-winner ni Stephen Holt upang maitakas ang 99-98 panalo kontra sa knockout Game 2

Ito rin ang nagawa ng Bolts bilang No. 7 nang silatin ang No. 2 Rain or Shine Elasto Painters kahit pa may win-once advantage tampok ang 96-79 at 98-89 panalo sa 2 laro sa trangko ng kapitang si Chris Newsome.

“You can say TNT has our number. Hindi naman ako nagpapadehado,” ani Meralco coach Luigi Trillo. “But if you look at TNT, aside from beating us, they’ve been in three straight finals. So even without Rondae (Hollis-Jefferson) they were still in the finals. So that’s a testament to their toughness, their defensive toughness.”

Subalit paborito pa rin ang SMB at TNT na mithiing maikasa ang rematch sa finals.

Matatandaang tinalo ng SMB ang TNT, 4-2, sa finals ng Season 49 Philippine Cup upang mapurnada ang Grand Slam nito.

Mabilis na tinalo ng Beermen at Tropang 5G ang mga karibal nito sa quarterfinals para makaabante agad hawak ang twice-to-beat.

Nilaglag agad ng Beermen ang No. 8 na NLEX, 101-94, gayundin ang No. 3 na Tropang 5G nang pauwiin agad ang No. 6 na Magnolia, 118-109.

“I’ll charge they win to experience. They know how to win, especially in the second half,” ani SMB coach Leo Austria na sasakay sa 10 kabit na panalo upang makauna sa Ginebra.

ARANETA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with