^

PM Sports

Dehadista pumaldo kay Magellan

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagsaya ang mga dehadista sa pagkakapanalo ng Magellan sa naganap na 4th Cool Summer Farm Juvenile Championship Stakes Race na nilarga sa pista ng Philippine Jockey Club sa Padre Garcia, Batangas noong Linggo.

Parang sibat na lumabas ng aparato ang Fairfield upang hawakan agad ang unahan sa kaagahan ng karera pero nilapitan agad ito ng Magellan na sinakyan ni jockey NC Lunar.

Bago makarating sa kalagitnaan ng karera ay naagaw na ng Magellan ang bandera sa Fairfield, lumamang ito ng isang kabayo habang nasa pangatlo at pang-apat ang Candle In The Wind at liyamadong Cunningham, ayon sa pagkakasunod.

Papalapit ng far turn ay umungos ang Magellan ng tatlong kabayo habang malakas naman na rumeremate ang Cunningham.

Nagpupumilit ang Cunningham na makadikit sa Magellan sa huling kurbada pero hindi ito pinaporma ng winning horse, nanatili ito sa unahan para masilo ang korona sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).

Lumobo sa apat na kabayo ang bentahe ng Magellan sa rektahan kaya naman pagtawid nito sa meta ay naka-alagwa ito ng todo sa pumangalawang Cunningham, tersero ang Fairfield habang pumang-apat ang Lady Outlaw.

Nirehistro ng Magellan ang tiyempong 1:26 minuto sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owenr na si Enrico San Andres ang P600,000 premyo, nakopo ng Cunningham ang P300,000.

Nagbulsa rin ang third placer na si Fairfield ng P200,000 habang P100,000 ang naiuwi ng Lady Outlaw na ginabayan ni reigning back-to-back Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee John Alvin Guce.

JOCKEY CLUB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with