^

PM Sports

Yulo magarbo ang ratsada sa 2025

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Muling nasilayan ng buong mundo ang husay at galing ni Paris Olympics double gold medalist Carlos Edriel Yulo sa iba’t ibang international tournament sa taong 2025.

Nakilala ng husto si Yulo nang humakot ito ng dalawang gintong medalya sa 2024 Olympic Games na ginanap sa Paris, France para maging kauna-una bang Pinoy na double-gold medalist sa Olympics.

Ngunit walang puwang sa isip ni Yulo ang paghinto sa mga ginagawa nito.

Muling binigyan ni Yulo ng pagkakataon ang buong sambayanan para magdiwang nang humakot ito ng gintong medalya sa iba’t ibang international tournaments.

Una na sa 2025 Men’s Artistic Gymnastics Senior Asian Championships na ginanap sa Jecheon, South Korea noong Hunyo.

Sampung buwan din na nagpahinga si Yulo matapos itong magwagi sa Paris Olympics.

Ngunit hindi nakitaan ng pangangalawang nang magpasiklab ito sa Asian meet.

Pinagharian nito sa ikatlong sunod na pagkakataon ang kanyang paboritong floor exercise event.

Bukod sa ginto, umani pa si Yulo ng tanso sa all-around, vault at parallel bars.

“I’m grateful for the chance to move again, to compete with my passion for gymnastics and to carry every lesson from the past years with me,” ani Yulo matapos ang Asian Championships.

Humataw pa si Yulo sa mas prestihiyosong 2025 FIG Men’s World Championships noong Oktubre nang angkinin nito ang ginto sa vault.

“I honestly don’t know how to start this caption? all I feel right now is pure gratitude to the Lord,” ani Yulo sa kanyang post sa social media.

Nagpasya naman si Yulo na hindi magpartisipa sa katatapos na 2025 Southeast Asian Games sa Bangkok, Thailand upang bigyan ng pagkakataon ang iba pang miyembro ng national team na maipamalas ang kanilang husay.

Sa pagpasok ng 2026, asahang muling ilalabas ni Yulo ang buong puwersa nito upang muling makapagbigay ng karangalan sa bansa.

Partikular nang tutukan nito ang 2026 Asian Games sa Nagoya, Japan.  

CARLOS EDRIEL YULO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with