JGDL ‘di maka move on
MANILA, Philippines — Tinimbang ngunit kulang.
Iyan ang kinahantungan ng Converge matapos ang masaklap na 99-88 kabiguan kontra sa Barangay Ginebra upang malaglag sa PBA Season 50 quarterfinals na siyang inako naman ng super rookie na si Juan Gomez De Liaño.
“Heartbreaker. I feel like we just had unnecessary mistakes that could’ve been avoided, honestly,” panghihinayang ni De Liaño matapos ang buzzer-beater na tres ni Stephen Holt upang akayin ang Gin Kings sa tagumpay.
“Sobrang bitin for me. Individually, I feel like I could’ve done more. And as I said, I’m here to win a championship, and we fell short, so that’s on me.”
Halos nasa kamay na ng Converge ang laban sa regulation at sa overtime subalit makailang beses dumulas upang malustay ang twice-to-beat bilang No. 4 seed at kapusin sa tangka nilang masikwat ang unang semifinal appearance sa franchise history.
Dito rin nagtapos ang maikli subalit pambihirang debut conference ng No. 2 overall rookie pick na si De Liaño tampok ang 25 puntos sa knockout Game 2 ng dikit na quarterfinals.
Tampok sa performance ni De Liaño na bawi niya mula sa 9 puntos lang sa Game 1, kung saan yumukod din sila, 105-85, ang pambaon sanang 4-points sa huling 1:39 ng OT para sa 95-89 bentahe ng FiberXers.
Nasilip na ng Converge ang tagumpay sa puntong iyon subalit nagpakawala ng 10-3 panapos na bomba ang Ginebra.
- Latest
















