^

PM Sports

Team of the future

BELT AND RUN - Nelson Beltran - Pang-masa

Natapilok sa endgame ng do-or-die game at naunsyami ang twice-to-beat advantage pero humakot pa rin ng papuri ang Converge FiberXers.

Team of the future. Ito ang bulalas ng marami ukol sa tropa ni coach Delta Pineda na binabanderahan ng emerging PBA face na si Juan Gomez de Liaño.

One defensive stop away sa semifinals ang Fi­berXers.

Pero hindi nila ito nagawa sa regulations at sa overtime. Kaya’t nagawang isalba ng Barangay Ginebra ang 99-98 thriller noong nakaraang gabi upang ikasa ang panibagong semis clash kontra San Miguel Beer.

Ang buntong-hininga na lang ni coach Delta ay nakatikim sila ng ganoong klaseng laban na inaasahan niyang magbibigay sa kanila ng maturity.

Good decision-making, composure, focus. Ani coach Delta, ito ang nakitang malaki nilang kakulangan ng makaharap ang Ginebra sa gitgitan sa endgame ng crucial encounter.

Mahirap ituro ang mga ito sa player, pero matututu­nan kung dadaan sa sitwasyon pinagdaanan ng Converge.

“Kaya salamat na rin sa experience,” ani coach Delta.

***

Lusot ang Ginebra sa semis kontra SMB.

Siguradong patok ito sa tao, pero para sa akin, mas maganda sana ang salpukang SMB vs Converge.

Bagong putahe sana ang maiaalok ng mga gaya nina Gomez de Liaño, Justin Arana, Justine Baltazar, Alec Stockton and Schonny Winston kontra June Mar Fajardo at SMB teammates.

DELTA

FIBERXERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with