Hawks nasunog sa Heat

ATLANTA - Kumamada si Norman Powell ng 25 points at umiskor si Pelle Larsson ng career-high 21 markers sa 126-111 pagsunog ng Miami Heat sa Hawks.
Nagdagdag si Kel’el Ware ng 16 points at 13 rebounds para saluhin ang trabaho ni injured Bam Adebayo (back injury) sa Miami (16-15) habang may 18 at 16 markers sina Andrew Wiggins at Jamie Jaquez Jr., ayon sa pagkakasunod.
Ito ang pang-walong sunod na pagkakataon na hindi naglaro si Tyler Herro dahil sa kanyang toe injury.
Bumira si Trae Young ng 30 points sa pang-limang sunod na kamalasan ng Atlanta (15-17) na nakahugot kay Jalen Johnson ng 24 points, 10 assists at 9 rebounds.
Ang running reverse layup ni Wiggins ang nag-layo sa Heat sa 102-87 sa 9:05 ng fourth quarter hanggang iposte ang isang 17-point lead mula sa over-the-head layup ni Powell.
Mula rito ay hindi na nakabangon ang Hawks na nagtala ng 21 turnovers.
Sa iba pang laro, wagi ang Boston Celtics sa Indiana Pacers, 140-122; giniba ng Charlotte Hornets ang Orlando Magic, 120-105; panalo ang Washington Wizards sa Toronto Raptors, 138-117; dinaig ng Chicago Bulls ang Philadelphia 76ers, 109-102; nilantakan ng Memphis Grizzlies ang Milwaukee Bucks, 125-104; at sinunog ng Phoenix Suns ang New Orleans Pelicans, 115-108.
- Latest

















