Ace of Diamonds magpapasikat sa Cool Summer race
MANILA, Philippines — Muling masisilayan ng mga karerista ang Ace Of Diamonds na sasabak sa Cool Summer Farm Open Imported Stakes Race na ilalarga sa pista ng Philippine Jockey Club Inc. sa Padre Garcia, Batangas, bukas, (Linggo).
Bagama’t wala pang opisyal na line up, ay nabanggit na ang Ace Of Diamonds na tatakbo sa nasabing tampok na karera na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).
May distansyang 2000 meter race, posibleng pagtuunan ng pansin ng mga karerista ang Ace Of Diamonds dahil impresibo ang huling takbo nito nang manalo sa Pasay Grand Cup noong Disyembre 7 sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.
Pumang-apat naman ang Ace Of Diamonds sa Eduardo Cojuangco Memorial Cup sa 2000 meter race noong Nobyembre 16, nakapagtala na ang five-year-old horse ng dalawang panalo sapul nang dumating ito sa Pilipinas.
Kumpirmado sa social media na si former Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Jonathan Basco Hernandez ang sasakay sa Ace Of Diamonds.
Lumutang din ang kabayong Birchton at Lucien sa mga naghayag ng pagsali sa nabanggit na karera.
Gagabayan ni star jockey Jeffril Tagulao Zarate, pumangalawa ang Lucien kay Varatti sa Eduardo Cojuangco Cup pagkatapos ay nagtala ito ng impresibong panalo sa Class 3 race sa distansyang 1,300 meters noong Disyembre 10.
Ngayong araw lalabas ang opisyal na line up kaya paniguradong naka-abang na ang mga karerista sa tindahan ng programa ng karera.
- Latest

















