La Salle, UP patayan sa UAAP crown
MANILA, Philippines — Wala ng bukas para sa defending champion University of the Philippines at last year’s runner-up De La Salle University pagharap nila sa do-or-die Game 3 ng UAAP Season 88 men’s basketball tournament finals na lalaruin sa Smart Araneta Coliseum ngayong araw.
Tabla ang serye sa 1-1 sa best-of-three match, nakahirit ng winner take all ang Fighting Maroons nang kalusin ang Green Archers, 66-63 sa Game 2.
Kinapitan ng Fighting Maroons ang mga clutch baskets ni Gerry Abadiano upang manatiling buhay sa hinahangad na back-to-back champion.
Nasaksihan ng 22,412 fans na nanood ng live sa MOA ang pag-akay ng fifth-year guard mula sa Iloilo, Abadiano sa UP.
Kaya asahang mas magiging mainit ang laban pagsimula ng laro ngayong alas-3:30 ng hapon.
Nagtala si Abadiano ng game-high 17 points, dalawang rebounds at isang steal para sa Fighting Maroons.
Inaasahang makakakuha ng tulong si Abadiano kina Rey Remogat at Francis Nnoruka.
Bumakas si Nnoruka ng 13 markers, 13 boards, dalawang blocks at isang steal habang 12 puntos, tatlong agaw at dalawang assists ang kinana ni Remogat.
Inamin ni Abadiano na iba ang pakiramdam niya ngayon kumpara sa mga naunang nilang rubber match game sa finals.
- Latest




















