Mavs binuhat ni Davis sa panalo

DALLAS - Iniskor ni Anthony Davis ang 20 sa kanyang 24 points sa second half at humakot ng 14 rebounds sa 119-111 pagpapabagsak ng Mavericks sa Brooklyn Nets.
Nagdagdag si top rookie pick Cooper Flagg ng 22 points para sa pang-limang panalo ng Dallas (10-16) sa huling anim na laro at may 17 markers si Naji Marshall.
Pinamunuan ni Michael Porter Jr. ang Brooklyn (6-18) sa kanyang 34 points kasunod ang 17 markers ni rookie Danny Wolf habang kumolekta si Nic Claxton ng 14 points at 10 rebounds.
Nagdomina ang Mavericks sa shaded lane, 66-44, bagama’t wala sina injured big men Dereck Lively II at Daniel Gafford.
Umiskor lamang ang Nets ng 19 points sa fourth quarter kumpara sa 29 markers ng home team.
Sa iba pang laro, panalo ang Chicago Bulls sa Charlotte Hornets, 129-126; nirapido ng Detroit Pistons ang Atlanta Hawks, 142-115; wagi ang Philadelphia 76ers sa Indiana Pacers, 115-105; at tinalo ng Cleveland Cavaliers ang Washington Wizards, 130-126.
- Latest


















