^

PM Sports

Pinoy athletes pa-Thailand na

Chris Co - Pang-masa
Pinoy athletes pa-Thailand na
Alex Eala.
Al Bello/Getty Images/AFP

MANILA, Philippines — Lalarga na ang first batch ng pambansang delegasyon patungong Bangkok, Thailand para sa 2025 Southeast Asian Games na magsimula sa Disyembre 9.

Babanderahan ang delegasyon ng mga opisyales mula sa Philippine Olympic Committee at Philippine Sports Commission kasama ang mga athletes at coaches.

Aalis naman ang second batch ng delegasyon sa Lunes isang araw bago ang opening ceremony na idaraos sa Martes sa Rajamangala Stadium sa Bangkok.

Magsisilbing flagbearers ng Team Philippines sa opening ceremony sina tennis star Alex Eala at volleyball player Bryan Bagunas na siyang pinangalanan ng POC.

Pinakamarami ang atleta sa athletics na may 61 mi­yembro kasunod ang football na may 46 atleta, jiu jitsu na may 45 atleta, ice hockey na may 44 atleta, floorball na may 40 atleta at ang shooting na may 39 atleta.

Nasa Thailand na ang ilang miyembro ng team dahil mauunang magsimula ang kanilang events.

Kabilang na rito ang football teams sa men’s at women’s division gayundin ang men’s baseball team.

Mainit ang simula ng men’s team na nagtarak ng pambuenamanong panalo matapos patumbahin ang Myanmar,  2-0.

Bigo naman ang wo­men’s team na lumasap ng 1-2 talo sa Myanmar.

Magarbo rin ang simula ng men’s baseball team na nagrehistro ng impresibong 14-0 panalo laban sa Indonesia sa pagsisimula ng pagdepensa nito ng titulo.

Optimistiko si POC president Bambol Tolentino sa magiging laban ng Team Philippines sa kabila ng pagkawala ng ilang key athletes gaya ni Paris Olympics double gold medalist Carlos Yulo ng gymnasticS.

Ilan sa mga tututukan sa Thailand SEA Games sina Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz, Asian champion EJ Obiena at Paris Olympics bronze medalist Nesthy Petecio.

Inaabangan na rin ang debut ni Kayla Sanchez sa swimming competitions kasama ang bagitong sina Heather White at Micaela Jasmine Mojdeh.

BANGKOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with