Bulls pinapak ng Pacers
CHICAGO - Kumana si Pascal Siakam ng season-high 36 points at nagdagdag si Bennedict Mathurin ng 28 markers sa 120-105 pagpulutan ng Indiana Pacers sa Bulls.
Tumipa si Andrew Nembhard ng 15 points at 7 assists para sa Indiana (5-18) na umabante sa nakaraang NBA Finals sa nakaraang season.
Umiskor si Coby White ng 22 points sa panig ng Chicago (9-13).na nahulog sa ikaanim na sunod na kamalasan habang humakot si Matas Buzelis ng 19 points at 12 rebounds.
Sa likod ni Siakam ay kumawala ang Pacers sa third quarter para muling talunin ang Bulls sa ikalawang sunod nilang pagtutuos ngayong season.
Sa Atlanta, nagtala si Nikola Jokic ng 39 points para sa pagbangon ng Denver Nuggets (16-6) mula sa 23-point deficit para agawin ang 134-133 panalo sa Hawks (13-11).
Sa iba pang laro, wagi ang Cleveland Cavaliers sa San Antonio Spurs, 130-117; lusot ang Orlando Magic sa Miami Heat, 106-105; panalo ang Detroit Pistons sa Portland Trail Blazers, 122-116; at tinalo ng New York Knicks ang Utah Jazz, 146-112.
- Latest

















