^

PM Sports

Gilas vs Guam

BELT AND RUN - Nelson Beltran - Pang-masa

Papasok sa training camp kahapon ang Gilas Pilipinas upang simulan ang trabaho na mag-qualify sa FIBA World Cup 2027 sa Qatar.

Pitong Asian teams plus ang host country ang makakarating sa World Cup proper, makakasama ang mga heavyweight teams sa buong mundo.

Simula noong 2014 sa Spain, regular ang naging presensya ng Team Philippines sa world meet, kasama ang 2019 China edition at 2023 Manila joust.

Ang tanong eh kung Top 7 power ba ang Gilas sa papasimulang WC qualifiers.

Mabigat ang unang stage sa koponan ni coach Tim Cone dahil na-draw sa Group A kasama ang mabibigat na koponang Australia at New Zealand. Ang medyo magaan lang eh ang Guam.

Sisimulan ng Gilas ang kampanya kontra Guam sa away-game sa Nov. 28 at susundan ng home game sa Blue Eagle Gym sa Dec. 1.

Dapat ma-sweep ang mga matches na ito, upang makakuha  ng magandang puhunan at momentum bago harapin ang  Australia at New Zealand.

China, South Korea, Japan, Iran, Lebanon, Jordan at Chinese Taipei ang iba pang traditional contenders na kakarera para sa Top 7.

Dumating na sa bansa si naturalized player Justin Brownlee upang pangunahan ang Gilas bid. Ang tanong eh kundisyon ba si Noypi Brownlee, consi?ering matagal nabakante at hindi nasipot ang commitment na lumaro sa Meralco sa EASL games.

Dapat hindi masayang ang posibleng 2-0 start para sa Gilas.

FIBA WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with