NU may pinatunayan sa SSL Preseason Unity Cup

MANILA, Philippines — Napatunayan ng National University na kahit nabawasan sila ng matitinding armas ay kaya pa rin nilang makipagsabayan sa ibang malalakas na teams sa katatapos na 2025 Shakey’s Super League (SSL) Preseason Unity Cup.
Nasilo ng Lady Bulldogs ang four-peat nang payukuin nila ang University of Sto. Tomas, 22-25, 25-22, 25-27, 25-23, 15-10 sa Game 2 ng kanilang best-of-three finals na nilaro sa Rizal Memorial Coliseum sa Vito Cruz, Manila noong Sabado ng gabi sa ligang mapapanood sa live and on demand via PusoP.com at Solar Sports.
Kinapitan ng NU sina team captain Vange Alinsug, Chams Maaya, playmaker Lams Lamina, defense specialist Shaira Jardio, Kaye Bombita at super rookie Sam Cantada upang mapanatili sa kanilang bakuran ang korona.
Nalusutan ng NU ang preseason test, namayagpag sila ng wala na sina three-time UAAP Most Valuable Player Bella Belen, Alyssa Solomon, Sheena Toring at Erin Pangilinan
“Well, ‘yung start naman talaga, from the start, I told them na because marami ‘yung nawala, we have to do this together. We have to work as a team now, because significant ‘yung mga nawala. We have to fill in those shoes, but to get there, we have to grow together ng sabay-sabay. We have to be a team,” ani NU head coach Regine Diego na pinalitan si Sherwin Meneses.
- Latest

















