Bucks umeskapo sa Mavs

DALLAS - Iniskor ni Giannis Antetokounmpo ang 15 sa kanyang 30 points sa fourth quarter, habang isinalpak ni Ryan Rollins ang isang driving layup sa huling 17.9 segundo sa 116-114 pagtakas ng Milwaukee Bucks sa Mavericks.
Nagdagdag si Kyle Kuzma ng season-high 26 points mula sa bench para sa pagbangon ng Milwaukee (7-4) mula sa isang 13-point deficit.
Ang dunk ni Kuzma sa natitirang 14 segundo ay resulta ng kanyang agaw sa inbound pass ng Dallas (3-8) para kay Cooper Flagg na nadulas sa three-point line.
Nagkaroon ang Mavs ng tsansa na makatabla nang ma-foul si P.J. Washington Jr. sa kanyang desperadong tres ni Antetokounmpo sa huling 1.2 segundo.
Talbog ang ikalawang free throw ni Washington at sinadyang imintis ang ikatlo niyang foul shot na nahablot naman ni Bobby Portis Jr. ng Bucks.
Sa iba pang laro, dinaig ng San Antonio Spurs ang Chicago Bulls, 121-117; panalo ang Phoenix Suns sa New Orleans Pelicans; wagi ang Minnesota Timberwolves sa Utah Jazz, 120-113; sinunog ng Miami Heat ang Cleveland Cavaliers via overtime, 140-138; at tinakasan ng Orlando Magic an Portland Trail Blazers, 115-112.
- Latest


















