^

PM Sports

Rockets binuhat nina Durant, Smith

Pang-masa
Rockets binuhat nina Durant, Smith
Kevin Durant

TORONTO — Ku­ma­big si Kevin Durant ng 31 points, habang nagdag­dag si Jabari Smith Jr. ng season-high 25 markers sa 139-121 pagbugbog ng Houston Rockets sa Raptors.

Humakot si center Alperen Sengun ng 18 points, 9 assists at 8 rebounds para sa ikalawang sunod na panalo ng Houston (2-2) matapos ang back-to-back losses sa pagsisimula ng season.

Nagdagdag si Amen Thompson ng 18 points at may 14 at 12 markers sina Tari Eason at Steven A­dams, ayon sa pag­kakasunod.

Umiskor si Scottie Barnes ng 31 points at dinuplika ni Brandon Ingram ang kanyang season high 29 markers para sa ikaapat na dikit na kamalasan ng Toronto (1-4).

Binuksan ng Rockets ang third period sa isang 14-4 atake para kunin ang 84-67 abante sa 8:12 minuto nito na hindi na naputol ng Raptors.

Sa Boston, kumamada si Jaylen Brown ng 30 points sa 125-105 panalo ng Celtics (2-3) sa Cleveland Cavaliers (3-2).

Nag-ambag si Sam Hauser ng 21 points para sa back-to-back wins ng Boston na nagmula sa 0-3 panimula.

Sa iba pang laro, binigo ng Detroit Pistons ang Orlando Magic, 135-116; wagi ang Atlanta Hawks sa Brooklyn Nets, 117-112; panalo ang Los A­ngeles Lakers sa Minnesota Timberwolves, 116-115; at tinakasan ng Memphis Grizzlies ang Phoenix Suns, 114-113.

KEVIN DURANT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with