Norwood maglalaro sa pinakahuling PBA conference

MANILA, Philippines — Maglalaro si Rain or Shine team captain Gabe Norwood sa kanyang pinakahuling PBA conference matapos ang 17 taon.
Ito ang inihayag ng 40-anyos na Fil-Am forward sa isang video ng Elasto Painters sa social media kahapon.
Sinabi ni Norwood na tatapusin lamang niya ang kasalukuyang PBA Season 50 Philippine Cup bago tuluyang isabit ang kanyang uniporme.
“One last conference. One last ride. One last flight,” sabi ni Norwood.
Nakatakdang labanan ni Norwood at ng Rain or Shine ang Meralco bukas sa Ynares Center sa Montalban, Rizal.
Isa lamang si Norwood sa ilang PBA players sa mga hindi nai-trade.
Siya ang hinirang na No. 1 overall pick ng Elasto Painters noong 2008 PBA Draft at tinanghal na Rookie of theYear sa sumunod na taon.
Nagsisilbi siya ngayong assistant ni Rain or Shine coach Yeng Guiao simula noong nakaraang taon.
Si Norwood ay isang two-time PBA champion, 11-time PBA All-Star at seven-time PBA All-Defensive Team member.
Naging bahagi rin siya ng kampanya ng Gilas Pilipinas ng ilang taon.
Ang pinakatampok dito ay ang pagdakdak niya kay dating NBA star big man Luis Scola ng Spain sa 2014 FIBA World Cup.
Nominado ito para sa FIBA Dunk of the Decade.
May dalawang silver medal din si Norwood sa FIBA Asia Championship, isang gold sa SEA Games gold medalist at sa William Jones Cup.
- Latest
















