^

PM Sports

Italy World Champion pa rin

Russell Cadayona - Pang-masa
Italy World Champion pa rin
Nagdiwang ang Italy sa kanilang paghablot sa back-to-back FIVB Worlds gold medal.
Kuha ni Russell Plama

MANILA, Philippines — Patuloy ang paghahari ng mga Italians sa FIVB Volleyball Men’s World Championship.

Ito ay matapos dispatsahin ng World No. 2 Italy ang World No. 9 Bulgaria, 25-21, 25-17, 17-25, 25-10, para sa gold medal sa harap ng 16.429 fans kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Inangkin ng tropa ni coach Ferdinando de Giorgi ang pang-limang ginto matapos noong 1990, 1994, 1998 at 2022 para dumikit sa anim ng nangu­ngunang Soviet Union na naghari noong 1949, 1952, 1960, 1962, 1978 at 1982.

Nagbagsak si Yuri Romano ng 22 points mula sa 16 attacks, limang service aces at isang block para sa back-to-back titles ng mga Italians.

Pumalo si Mattia Bottolo ng 18 markers kasunod ang 11 points ni Alessandro Michieletto, habang naglista si setter Simone Giannelli ng 35 excellent sets.

Kumana si Aleksandar Nikolov ng 23 points at may 32 excellent sets ang kanyang utol na si Simeon para sa mga Bulgarians.

Nakabangon ang Bulgaria mula sa 0-2 pagkakabaon matapos agawin ang third set, 25-17.

Bumalik sa porma ang Italy para kunin ang 17-9 abante at 22-10 kalama­ngan tampok ang magkakasunod na aces ni Bottolo para tapusin ang laro sa 25-10.

Sa unang laro, inangkin ng World No. 1 Poland ang bronze medal matapos pabagsakin ang World No. 18 Czechia, 25-18, 23-25, 25-22, 25-21.

Ito ang kauna-unahang tanso ng mga Poles sa kanilang anim na podium finishes tampok ang ginto noong 1974, 2014 at 2018 at pilak noong 2006 at 2022.

Bumira si Wilfredo Leon ng 24 points mula sa 21 attacks at tatlong blocks, habang nagdagdag si Kewin Sasak ng 11 markers.

Minalas ang mga Czechs sa bronze, ngunit wagi ng dalawang gold noong 1956 at 1966 at apat na silvers noong 1949, 1952, 1960 at 1962 bilang Czechoslovakia.

Samantala, idaraos ang 2027 Men’s World Championship sa Poland kasunod sa Qatar para sa 2029 edition.

FIVB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with