SEAG slugfest
Mula Southeast Asia, tanging Pilipinas at Singapore ang nag-compete sa nakalipas na World Boxing Championships sa Liverpool, England.
No-show ang Thailand, Indonesia, Malaysia at iba pang boxing federations sa rehiyon, kaya’t hindi nagkaroon ng sukatan ng lakas at tikas bago ang bakbakan sa SEAG boxing competition sa Bangkok sa December.
Overall champion ang Thailand sa nakalipas na SEAG slugfest sa Phnom Penh, Cambodia, at siguradong patuloy na mamayagpag sa bakbakang gagawin sa kanilang teritoryo.
Nine gold medals ang nakuha ng Thailand sa 2023 SEAG, samantalang apat ang sa Pilipinas, dalawa ang sa Vietnam at isa sa Cambodia.
Mas mabigat na laban ang haharapin ng Pinoy boxers sa Bangkok, considering payak ang hometown decision sa Thailand.
Hindi naman ibig sabihin na puro pandayara ang alam ng Thai boxing.
One thing sure, kailangan ng Filipino fighters ng overwhelming performance – o maaaring knockout – para masingitan ang Thai boxers.
Sina Carlo Paalam, Ian Clark Bautista, Paul Bascon at Nesthy Petecio ang nag-deliver ng ginto sa Pinas noong 2023.
Kahit ‘di nakatuntong sa podium sa Liverpool meet, inaasahang pangungunahan ni Paalam ang Phl boxing team sa Bangkok SEAG.
Unang asam ng Team Phl ang magandang draw. Mas magandang maiwasan ang maagang faceoff kontra Thai boxers, at nang sa finals na magkaalaman.
- Latest




















