^

PM Sports

Juan GDL pasikat agad sa Converge

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Juan GDL pasikat agad sa Converge
Juan Gomez-de Liano.
PBA Images

MANILA, Philippines — Nagpasiklab agad ang pambatong rookie na si Juan Gomez de Liaño matapos trangkuhan ang Converge sa 96-77 panalo kontra sa Blackwater sa friendly game nila bago ang PBA Season 50 sa susunod na buwan.

Kumamada si De Liaño ng 20 puntos sa kanyang pinakaunang salang sa FiberXers lagpas isang linggo buhat nang maging No. 2 pick sa 2025 PBA Rookie Draft.

Nanoood lang muna si De Liaño sa 109-103 panalo nila kontra Meralco noong nakarang linggo.

Sina De Liaño at Dalph Panopio ang inaasahang magbakbakan sa Rookie of the Year award kasama ang No.1 pick na si Geo Chiu ng Terrafirma bagama’t hindi pa agad makakalaro upang tapusin muna ang kanyang kontrata sa Abra Solid North Weavers sa MPBL.

Samantala, sasalang si Stanley Pringle sa out-of-town exhibition match ng Rain or Shine kontra sa Meralco sa Capital Arena sa Ilagan, Isabela.

Magisisilbi rin itong dry run ng PBA para sa posibleng official game ng PBA Season 50 sa Isabela.

Nakatakda ang PBA Season 50 opening sa Oktubre 5 sa Smart Araneta Coliseum bilang selebras­yon ng golden anniversary ng pinakaunang professional basketball league sa Asya na katatampukan din ng mga laro sa Bahrain at Dubai.

ARENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with