^

PM Sports

Alas sumakses

BELT AND RUN - Nelson Beltran - Pang-masa

Ano ang mga pruweba na nakita sa gaya nina Caloy Yulo, Alex Eala at Alas Pilipinas?

Maliwanag na kung bigyan ng magandang training at exposure sa world-class competitions, aangat ang kalibre ng atletang Pinoy at hindi mapapahiya sa mga higanteng international events.

Lumusot man o hindi kontra Iran sa kanilang crucial match kagabi, naipakita na ng Alas Pilipinas ang bagay na ito.

Ang forecast ng marami eh ni hindi makakahugot ng kahit isang set ang mga Pinoy spikers sa FIVB Men’s World Championship, lalo na ang manalo ng match.

Pero sa pagpapakita ng malaking puso at malaking laban, giniba nina Bryan Bagunas at tropa ang Team Egypt – kasama ang mga non-believers at manga­ngantiyaw na miron – at sumirit mula obscurity tungo sa spotlight sa world meet.

Una rito, nagpakita ang Alas Pilipinas ng magandang laban sa huling set ng losing debut nila kontra Tunisia.

At sinakyan nila ang magandang momentum na iyon, at nagawang magsimula ng malakas at ma-sustain ang solid na laro tungo sa 3-1 shocker kontra Egypt. Sumakses ang Alas!

Tunay na magandang benepisyo ang inani ng Alas sa kanilang extensive 15-month training. At ang wish ng marami sa ngayon eh i-push pa ng Pinoy spikers ang pagpupunyagi upang habulin ang glorya sa SEA Games sa Thailand sa December.

Baka sa Bangkok mangyari ang breakthrough SEAG championship ng Philippine men’s volleyball.

CALOY YULO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with