^

PM Sports

Morally bumandera sa 3rd Leg ng ‘Prince Cup’

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Muling ipinakita ng Morally ang tikas nito matapos sikwatin ang panalo sa 2025 3rd Leg ng “Prince Cup” na inilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas kahapon.

Dahil sa panalo ay nawalis ng Morally ang nasabing bagong stakes race na ipinakilala ni Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) chairman at president Atty. Narciso Morales.

Kalmadong lumabas ng aparato ang Morally at ipinuwesto ito ni veteran jockey Mark Angelo Alvarez sa pang lima.

Nanatili sa pang-lima ang Morally sa kalagitnaan ng labanan, habang naglulutsahan sa unahan ang Calculus at Anytime Anywhere at nasa tersero ang Tiz The Moon.

Papalapit ng far turn ay umuusad na ang outstanding favorite na Morally kaya naman sa huling kurbada ay naagaw na nito ang bandera.

Bahagyang napalaban ang Morally sa rektahan pero umungos na ito nang husto sa huling 75 metro ng karera.

Tinawid ng Morally ang finish line na may isang kabayo ang agwat sa pumangalawang Anytime Anywhere pangatlo ang Candy And Wine at pang-apat ang Tiz The Moon.

Hinamig ng winning horse owner na si Gabriel Gaerland ang P2,250,000, premyo, napupunta ang P843,750 sa Anytime Anywhere, habang P468, 750 ang naiuwi ng Candy And Wine.

METRO TURF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with