Romeo bibida sa Manila Melmac
MANILA, Philippines — Matapos ang 10 taon ay magbabalik si three-time PBA scoring champion Terrence Romeo sa 3x3 basketball.
Babanderahan ng 33-anyos na si Romeo, nagtapos ang kontrata sa Terrafirma noong Agosto, ang Manila Melmac kasama si dating PBA guard Mac Tallo, Abdul Sawat at Henry Iloka.
Wala pa kasing tumatawag sa three-time PBA champion guard mula sa 12 PBA teams, kasama ang Dyip.
Ang No. 5 overall pick ng Barako Bull noong 2013 Rookie Draft at naglaro para sa GlobalPort, TNT at San Miguel at sa Manila West 3x3 team noong 2015.
Noong Nobyembre ng 2024 ay ibinigay ng Beermen si Romeo kasama si Vic Manuel sa Dyip kapalit nina Andreas Cahilig at Juami Tiongson.
Tutulungan ni Romeo ang Manila Melmac para sa FIBA 3x3 Manila Challenger na didribol sa Setyembre 20 at 21 sa Ayala Malls Manila Bay.
- Latest
















