Chiu, iba pa pasikat sa Draft Combine
MANILA, Philippines — Bumida si Geo Chiu at sina Fil-Ams Ashon Andrews at Jake Gaspay pati na ang mga collegiate standouts ng UAAP at NCAA sa skill tests ng 2025 PBA Rookie Draft Combine na idinaos sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Sa taas na 6-foot-9, si Chiu ang pinakamatangkad sa 126 apliknate at siya ring may hawak ng pinakahamahabang arm span sa 82 feet.
Nasikwat din ng Ateneo center ang pinakamataas na standing reach sa 107 inches upang mapalakas ang kanyang draft stock bagama’t hindi sumali sa ibang skill tests dahil masama ang pakiramdam.
Tumalon naman ng tig-33.4 inches sina Andrrews at Gaspay upang masungkit ang pinakamataas na standing vertical jump.
Bumida naman sina Bryan Sajonia ng San Beda at Sean Quitevis sa reactione na may tig 0-29 na segundo.
Sa lane agility ay namuno si Patrick Ramos na may 10.7 segundo at bumandera sa jump power na 365.28 si Shawn Umali ng Lyceum.
- Latest




















