^

PM Sports

Vergara sasargo sa Round-of-32

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umusad sa Round-of-32 si Pinoy cue artist Harry Vergara matapos nitong kalusin si Lo Ho Sum ng Hong Kong, 9-7, sa winner’s side ng Zen Custom Cue and Yuan 8 Open na inilalaro sa Yuan 8 Club sa Shanghai, China kahapon.

Malinis sa apat na laro si Vergara kaya naman sasandalan nito ang kanyang momentum pagharap kay Jonas Souto Comino ng Spain sa Last 32 sa torneong may nakalaan na $60,000 gua­ranteed prize at ikakalat hanggang 48th place.

Inaasahang mapapalaban nang todo si Verga­ra bago masikwat ang ina­asam na korona dahil ka­sali pa ang defending champion na si Ko Pin Yi ng Chinese Taipei at 2024 runner-up at reigning US Open champion Aloysius Yapp ng Singapore.

Tumutumbok pa rin si dating World Champion Alex “The Lion” Pa­gulayan na isang Pinoy pero dala ang bandila ng Canada kaya kailangan doblehin ni Vergara ang kanyang husay at diskar­te.

Samantala, nairaos nina 2025 World 9-ball semifinalist Bernie Rega­lario, Marvin Asis at Michael Feliciano ang laban nila sa loser’s side.

US OPEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with