Chua sibak kay Gorst sa US Open
MANILA, Philippines — Kinapos si Pinoy cue artist Johann Chua na makausad sa finals matapos siyang biguin ni Fedor Gorst, 7-11 sa semifinals ng US Open Pool Championship na nilaro sa Harrah’s Resort, Atlantic City, USA, kahapon.
Ang 33-anyos na si Chua ang natitira sa 15 pambato ng Pilipinas na sumargo sa nasabing prestihiyosong event na nakalaan ang $500,000 guaranteed prize.
Ipinakita ni Chua ang determinasyong manalo subalit hindi kinaya ang tikas ni Gorst na siya rin ang nagpatalsik sa isa pang Pinoy bet na si Michael Baoanan, 10-9 sa quarterfinals.
Pero talsik sa trono si Gorst dahil tinalo siya sa finals ni Aloysius Yapp, 11-13 ng Singapore kaya nasilo ng huli ang tumataginting na $100,000 premyo habang nakopo ng una ang $50,000.
Bago sumampa sa semis ang 2025 Knight Shot Open champion na si Chua, ay kinalos muna nito si former world champion Niels Feijen, 10-2 ng The Netherlands.
Naiuwi nina Chua at Yi ang tig-$25,000, nasungkit ni Baoanan ang quarterfinals prize na $15,000 habang si Jefrey Roda na natalo sa last 16 ay nakapag-bulsa ng $8,000
- Latest



















