Ang Gilas at si Jericho
May pinakamahabang minutong inilaro si Jericho Cruz para sa Guam team sa kanilang 52-77 loss kontra Iran sa kickoff ng 2025 FIBA Asia Cup sa Jeddah, Saudi Arabia.
At tumapos siyang second best scorer sa likod ni Tai Wesley sa pagkamada ng 11 points na may kasama ring four rebounds, two assists at one steal kontra two turnovers.
At inaasahan ang kanyang patuloy na pangunguna sa kanyang team sa Jeddah competition kung saan haharapin din nila ang Japan at Syria sa Group B.
Sa edad na 34, lumilipad ang kanyang career sa PBA at ganoon din sa international play.
‘Di nga ba’t kagagaling lang niya sa championship sa PBA Philippine Cup kung saan siya pa ang sumungkit ng Finals MVP award.
Mukhang malabong masilat ng Guam ang Japan. Pero kung talunin nila ang Syria eh uusad sila sa knockout for quarterfinals spot.
Ang Gilas eh nasa Group D kung saan kaharap nila kagabi ang New Zealand sa critical match. Panghuling laban sa group play ng Team Philippines ang Iraq sa Sabado.
Ang target ng lahat ng koponan eh manguna sa kanilang grupo para sa automatic slot sa Final Eight.
Pero malabo na ito para sa Gilas at sa koponan ni Jericho.
Mukhang pareho silang dadaan sa mas mahabang pathway para makamit ang quarters aspiration.
- Latest
















