Jungkook itinakbo ang Silver Cup
MANILA, Philippines — Hindi bumigay sa kahahabol ang Jungkook kaya naman nasikwat nito ang panalo sa katatapos na 2025 PHILRACOM - PCSO Silver Cup na nilarga sa Metro Turf, Malvar, Tanauan City, Batangas, kahapon.
Nagmasid sa tersero puwesto ang Jungkook na sinakyan ni veteran jockey Mark Angelo Alvarez, nagbabakbakan sa unahan ang matutulin na Basheirrou at Batang Manda.
Pagsapit ng kalagitnaan ng karera ay banatan pa rin sa unahan ang Basheirrou at Batang Manda habang nanatili sa tersero puwesto ang Jungkook.
Papalapit ng far turn ay kumukuha na ng unahan ang reigning Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Horse of the Year awardee Batang Manda pero nagsimula na rin magpagalaw ni Alvarez at itnutok nito ang Jungkook sa rumeremateng kabayo.
Pagdating ng huling kurbada ay naagaw na ng winning horse ang bandera habang pumapalag ang Jungkook sa paghabol, nalugmok na sa tersero ang Basheirrou.
Sa rektahan kung saan ay lamang pa ang Batang Manda ng isang kabayo ay lumaki ang hakbang ng Jungkook at tuluyan na itong naagaw ang unahan sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).
Tinawid ng Jungkook ang meta ng may dalawang kabayo ang agwat sa pumangalawang Batang Manda.
Nirehistro ng Jungkook ang tiyempong 1:50.8 minuto sa 1,800 meter race sapat upang hamigin ang P2.4M premyo.
- Latest

















