^

PM Sports

Eala inspirasyon si Sharapova

Chris Co - Pang-masa
Eala inspirasyon si Sharapova
Alex Eala
PBA Image

MANILA, Philippines —  Walang duda na isa si Maria Sharapova sa mga iconic tennis players sa mundo.

Naglabasan sa social media ang picture ni Pinay netter Alex Eala noong bata pa ito kasama si Sharapova.

Alam naman ni Eala na marami pa itong kaka­ining bigas upang maabot ang estado ng mga Grand Slam winners gaya ni Sharapova.

Maraming hinaha­ngaan si Eala na ginagawa nitong inspirasyon para mas lalo pang maging mahusay na tennis player at maging magandang kinatawan ng Pilipinas sa world stage.

At hindi itinatanggi ni Eala na si Sharapova ang isa sa mga naging inspiras­yon nito.

Tinukoy ng Pinay netter ang husay ni Sharapova sa loob ng court gayundin ang fighting spirit nito sa bawat laban.

Hinangaan din ni Eala kung paano dalhin ni Sharapova ang kanyang sarili mula sa paglalaro hanggang sa pananamit.

Kaya naman hindi mai­iwasan na milyon ang tagahanga ni Sharapova mula sa iba’t ibang panig ng mundo dahil sa kanyang angking ganda at husay.

“I looked up to so many players, but my super idol is Maria Sharapova. The way she plays, her menta­lity, and the way she presented herself,” ani Eala.

Pinaghahandaan din ni Eala ang pagsabak nito sa US Open sa susunod na buwan kung saan kasama ito sa main draw entry list ng naturang Grand Slam event.

ALEX EALA

MARIA SHARAPOVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with