Ika-12 BPC trophy kay June Mar
MANILA, Philippines — Popormalisahin ni San Miguel superstar June Mar Fajardo ang pagkopo sa PBA record na ika-12 Best Player of the Conference award sa Game Four ng Season 49 Philippine Cup Finals sa MOA Arena sa Pasay City.
Bumabandera ang 6-foot-10 Cebuano giant sa BPC race sa kanyang 39.6 statistical points (SPs) mula sa 16.0 points, 13.9 rebounds, 3.2 assists, 1.1 blocks at 0.6 steals per game hanggang sa semifinals.
Nakamit ng 35-anyos na si Fajardo ang pang-11 BPC trophy sa nakaraang season-opening Governors’ Cup na pinagharian ng TNT Tropang 5G.
Kasunod ng 10-time PBA champion center sa BPC derby si NLEX star guard Robert Bolick na naglista ng 36.6sps mula sa mga average na 19.2 points, 6.5 rebounds at 6.6 assists.
- Latest


















