Biado swak sa Last 16
MANILA, Philippines — Patuloy ang pamamayagpag ni Pinoy cue artist Carlo Biado matapos nitong sumargo ng dalawang panalo sa knockout stage ng UK Open Pool Championship, 2025, kahapon na nilaro sa Telford International Centre, England.
Swak sa round of 64 si two-time WPA World Champion Biado ng patalsikin nito ang pambato ng Poland na sina Mieszko Fortunski, 10-9 at Szyman Kural, 10-6 sa Last 64 at 32, ayon sa pagkakasunod.
Para makatumbok sa quarterfinals ay kailangan ni 2017 World 9-Ball Championship ruler at reigning World 10-Ball Championship king Biado na kalusin si Aloysius Yapp ng Singapore sa round of 16.
- Latest






















