^

PM Sports

UP buhay pa ang tsansa sa semis

Nilda Moreno - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines — Buhay pa ang tsansa ng University of the Philippines sa asam na pumalo sa final four matapos silatin sa limang sets ang De La Salle University, 26-24, 18-25, 19-25, 25-22, 16-14 sa UAAP Season 87 women’s volleyball tournament na nilaro sa Smart Araneta Coliseum, kahapon.

Kinapitan ng Lady Maroons sina Joan Monares, rookie standout Kianne Olango, at American middle blocker Kassandra Doering upang tulungan ang koponan na ilista ang 6-6 karta at puwestuhan ang No. 5 spot sa team standings.

May dalawang natitirang laro pa ang Lady Maroons sa eight-team double round robin at kaya pa nilang maka-walong panalo.

Nasa No. 4 ang Far Eastern University na may 8-5 karta habang magkasalo sa No. 2 ang DLSU at University of Sto. Tomas na may tig-8-4 cards, solo naman sa tuktok ang defending champion National University na nanalo laban sa Ateneo de Manila University, 25-16, 25-15, 25-21 sa unang laro, ta­ngan ang 11-2 baraha.

Pinamunuan ni Mo­nares ang opensa para sa UP sa tinikadang 16 points, 15 puntos ang kinana ni Doering habang 14 ang binakas ni Olango.

Tumulong din sa opensa para sa UP si Nina Ytang na may 11 points at Irah Anika Jaboneta na umiskor ng siyam.

Si Shevana Maria Ni­cola Laput ang nama­yagpag sa puntusan para sa Lady Spikers, nirehistro nito ang 27 markers mula sa 20 attacks, apat na blocks at tatlong service aces habang 25 puntos ang binakas ni Angel Canino.

Samantala, kinapitan ng Lady Bulldogs ang tikas ni Alyssa Solomon upang masikwat ang pa­nalo at masiguro ang top seeding pagkatapos ng 14-team double round robin.

Hindi nakapaglaro ng dalawang beses si Solomon dahil sa injury at sa kanyang pagbabalik ay naitaguyod nito ang NU sa panalo at makakuha ng twice-to-beat advantage sa susunod na phase.

Si Mhicaela Belen ang namuno sa opensa para sa NU habang si Solomon ang mga tumikada ng mga importanteng puntos.

UAAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with