Magic kinuha ang No. 7 spot sa playoffs
ORLANDO, Fla.— Bumanat si Franz Wagner ng 23 points at nag-ambag si Cole Anthony ng 18 points sa 96-76 paggupo ng Magic sa nagdedepensang Boston Celtics para kunin ang No. 7 spot sa Eastern Conference at ang top spot sa play-in tournament.
Naglista si Paolo Banchero ng 15 points at 6 assists para sa Orlando (40-40) na sinikwat din ang Southeast Division title.
Napasakamay na ng Celtics ang No. 2 spot sa Eastern Conference playoffs.
Sa Dallas, nagpasabog si Luka Doncic ng 45 points sa 112-97 paggupo ng Los Angeles Lakers (49-31) sa Mavericks (38-42) at ibulsa ang isang playoff spot sa Western Conference.
Sa Chicago, naglista si Josh Giddey ng 28 points, 16 rebounds at 11 assists sa 119-111 pagpapalamig ng Bulls (37-43) sa Miami Heat (36-44).
- Latest