Giannis gumawa ng NBA history

PHILADELPHIA — Hinirang si Giannis Antetokounmpo bilang unang player sa NBA history na humakot ng 35 points, 17 rebounds at career-high 20 assists sa 126-113 pagsuwag ng Milwaukee Bucks sa 76ers.
Nagdagdag si Brook Lopez ng 17 points para sa Milwaukee (42-34), habang may 16 at 12 markers sina Kyle Kuzma at AJ Green, ayon sa pagkakasunod.
Umalis si coach Doc Rivers sa bench sa first half dahil sumama ang pakiramdam at nanood lamang sa locker room, habang si assistant Darvin Ham ang gumabay sa tropa.
Pinamunuan ni rookie Adem Bona ang Philadelphia (23-54) sa kanyang career-high 28 points.
Tumipa si Quentin Grimes ng 24 points at 10 assists at may 22 markers si Guerschon Yabusele para sa 76ers na laglag sa 10-game losing slump.
Hindi naglalaro sina injured starters Tyrese Maxey, Joel Embiid at Paul George.
Kinuha ng host team ang 39-25 abante sa first quarter bago naghulog ang bucks ng isang 15-0 bomba sa pagsisimula ng second period at 11-2 atake sa third canto para lumayo sa 96-87.
Sa Los Angeles, kumamada si Stephen Curry ng 37 points at may 28 markers si Brandin Podziemski sa 123-116 panalo ng Golden State Warriors (45-31) sa Lakers (46-30).
Sa New York, umiskor si Anthony Edwards ng 28 points sa 105-90 pagpulutan ng Minnesota Timberwolves (45-32) sa Brooklyn Nets (25-52).
Sa Miami, ipinasok ni Ja Morant ang isang 12-foot jumper sa pagtunog ng fimal buzzer sa 110-108 paglusot ng Memphis Grizzlies (45-32) sa Heat (35--42) na nagtapos ang six-game winning streak.
- Latest