Bagong kasal pero Gumabao laban agad
MANILA, Philippines — Ninanamnam pa ni Michele Gumabao ang pagiging misis nito matapos ikasal kay Aldo Panlilio kamakailan sa isang mataimtim na seremonya.
Ngunit ilang araw matapos ang seremonya, laban agad ang opposite spiker ng Creamline sa loob ng court kasama ang Cool Smashers.
Matagumpay na nagmartsa ang Creamline sa quarterfinals ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference matapos patumbahin ang Nxled.
Kaya naman doble selebrasyon ito para kay Gumabao.
“Hindi pa nag-sink in sa akin (na kasal na kami). But after so long, we’ve been together for eight years, I think it’s not the finish line but actually the starting line of something new for us,” ani Gumabao.
Excited na si Gumabao na bumuo ng pamilya kasama si Panlilio.
Kasama na rito ang pagdugtong ng ‘Panlilio’ sa kanyang jersey.
“Looking forward to a new life that we can start together and a family that we can build also together in a few years. Sana rin talaga we can build a family like kung paano kami pinalaki ng mga magulang namin because of how family is important to us,” ani Gumabao.
Sa ngayon, sesentro muna ang atensiyon ni Gumabao sa court para tulungan ang Cool Smashers na makamit ang korona sa PVL All-Filipino Conference.
- Latest
















