^

PM Sports

DeRozan, LaVine hataw sa Kings

Pang-masa

HOUSTON — Humataw si DeMar DeRozan ng 21 points para gabayan ang Sacramento Kings sa 113-103 pagpapabagsak sa Rockets para sa kanilang ikatlong dikit na panalo.

Nagdagdag si Zach LaVine ng 20 points para sa Sacramento (31-28) na nanalo pa rin kahit nagkaroon si Domantas Sabonis ng left hamstring injury at hindi nakabalik sa laro.

Pinamunuan ni Alperen Sengun ang Houston (37-23) sa kanyang 30 points at 10 rebounds habang may 24 markers si Fil-Am guard Jalen Green.

Isang 13-3 atake ang ginawa ng Kings para iposte ang 97-85 abante sa pagsisimula ng fourth period tampok ang tig-isang three-point shots nina LaVine at Keon Ellis.

Mula rito ay hindi na nakalapit ang Rockets.

Sa Memphis, ipinasok ni De’Aaron Fox ang isang 20-footer sa huling 2.6 segundo sa 130-128 paglusot ng San Antonio Spurs (25-33) sa Grizzlies (38-22).

Sa Dallas, humakot si Giannis Antetokounmpo ng 29 points, 9 rebounds at 9 assists habang may 28 markers si Damian Lillard sa 132-117 pagsuwag ng Milwaukee Bucks (34-25) sa Mavericks (32-29).

DEMAR DEROZAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with