^

PM Sports

Bounce-back win ng Creamline

Russell Cadayona - Pang-masa
Bounce-back win ng Creamline
Iniwas ni Michele Gumabao ng Creamline ang bola kina Jho Maraguinot at Andrea Marzan ng Galeries Tower.
PVL photo

MANILA, Philippines — Bumanat si Tots Carlos ng 18 points mula sa 16 attacks, isang service ace at isang block para gaba­yan ang nagdedepensang Creamline sa 25-15, 26-24, 25-19 paggiba sa Galeries Tower sa 2024-25 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference kahapon sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Nag-ambag si Alyssa Valdez ng 16 points ga­ling sa 15 attacks at isang block sa bounce-back win ng Cool Smashers mula sa kauna-unahang kabiguan sa PLDT High Speed Hitters para ilista ang 10-1 kartada.

Pormal na inupuan ng tropa ni coach Sherwin Meneses ang No. 1 spot sa knockout round kaharap ang No. 12 team na maaaring isa sa Highri­sers (1-10), Capital1 Solar Energy Spikers (1-10) at Nxled Chameleons (1-9).

“Siyempre, masaya ulit, ranked one kami. I think may konting advantage kasi lower ranked iyong makakalaban mo,” wika ni Meneses.

Nagdagdag sina Bea De Leon, Jema Galanza at Pangs Panaga ng pinagsamang 16 points para sa PVL Grand Slam cham­pions na naunang nagwakas ang 19-game winning streak simula noong 2024 Reinforced Confe­rence nang matalo sa PLDT noong nakaraang Sabado.

Kinuha ng Creamline ang first set, 25-15, bago iposte ng Galeries Tower ang 19-11 kalamangan sa second frame sa pagbandera ni Ysa  Jimenez.

Nagtuwang sina Valdez at Carlos sa paghuhulog ng isang 15-5 bomba para ibigay sa Cool Smashers ang 26-24 panalo at ibaon ang Highrisers sa 2-0.

Pinalo ng Creamline ang 7-3 abante sa third set patungo sa 25-19 pagwalis sa Galeries Tower tampok ang panapos na hataw ni Pau Soriano.

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE OPEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with