^

PM Sports

Bolts nagpalakas sa bonus

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Bolts nagpalakas sa bonus
Ibinitin ni Meralco import Akil Mitchell ang kanyang layup kontra kay Arvin Tolentino ng NorthPort.
PBA Image

MANILA, Philippines — Pinataob ng Meralco ang NorthPort, 111-94, upang palakasin ang tsansa nito sa Top-2 finish at twice-to-beat bonus ng 2024-2025 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Ninoy Aquino Stadium.

Nagtambal sina Akil Mitchell at Chris Banchero upang akayin sa ikala­wang sunod na panalo ang Bolts matapos ang 105-91 tagumpay kontra sa NLEX noong nakaraang linggo.

Nakasalo ngayon ng Meralco sa tersera puwesto kasama ang Barangay Ginebra, guest team na Hong Kong Eastern at Converge hawak ang pare-parehong 6-3 kartada, isang kembot lang mula sa lider na NorthPort (7-2) at Rain or Shine (5-2).

Kumamada ng 30 puntos si Mitchell sahog pa ang 13 rebounds, 3 assists at 5 steals upang trangkuhan ang balanseng atake ng Bolts habang may 25 puntos si Banchero dagdag pa ang 4 rebounds, 6 assists at 1 steal.

Nakatulong nila sa opensa si Chris Newsome na may 15 puntos habang may tig-8 rin sina Bong Quinto at Jansen Rios. May 7 at 6 na puntos naman sina CJ Cansino at Jolo Mendoza, ayon sa pagkakasunod.

“Northport has been taking down a lot of quality teams. They’re the real deal but today, we just played better defensively,” ani coach Luigi Trillo.

Batang Pier lang naman ang tumibag sa powerhouse teams na Magnolia, Talk ‘N Text, Ginebra at Hong Kong pati na sa NLEX, Terrafirma at Converge kaya inasahan ng Meralco ang pitpitang engkuwentro.

Subalit sa halip na makipagsabayan sa kalibre ng Batang Pier ay sumandal sa mala-lintang depensa ang Bolts nang limitahan lang sila sa maalat na 3-of-6 three-point shooting.

Lumamang pa ng hanggang 22 puntos ang Bolts tungo sa 18-point win.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->