^

PM Sports

Choco Mucho itutuloy ang ratsada

Russell Cadayona - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Choco Mucho itutuloy ang ratsada
Patuloy na sasandigan ng Choco Mucho sina Sisi Rondina at Isa Molde sa pagbabalik ng PVL All-Filipino Conference simula sa Sabado.

MANILA, Philippines — Tinapos ng Choco Mucho ang taong 2024 bitbit ang 3-3 kartada sa Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Confe­rence.

Ito ay dahil na rin sa kakulangan ng players ni coach Dante Alinsunurin kagaya nina injured setter Deanna Wong (knee) at middle blocker Aduke Ogunsanya (ACL).

“Sinabi ko nga sa kanila na kung may nagiging problema tayo pagdating sa tao, ngayon sana pagdating ng January maging maayos na ‘yung takbo ng team natin,” ani Alinsunurin.

“Kung anuman ‘yung pangangailangan natin sa tao, nandiyan lagi every time na tatawagin ko, every time na kailangan namin sa loob ng court ay magpe-perform,” dagdag pa ng Flying Titans mentor.

Sa kanilang huling laro noong Disyembre 12 ay tinakasan ng Choco Mucho ang Farm Fresh, 25-20, 25-21, 21-25, 25-27, 15-12.

“Kailangan talaga ‘yung jelling ng team, si­guro more team building pa, more team bonding pa para ‘yung gusto namin ay iisa na lang,” ani Alinsunuri.

Magbabalik ang mga aksyon sa Sabado kung saan haharapin ng Flying Titans ang ZUS Coffee Thunderbelles sa alas-4 ng hapon sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Nasa two-game losing skid ang Thunderbelles matapos humataw ng dalawang sunod na panalo para sa kanilang 2-3 marka.

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with