Explosive play resumption
Pagkatapos ng 10-day break, explosive double-header ang maghuhudyat ng resumption ng PBA Season 49 Commissioner’s Cup sa Linggo sa Smart Araneta Coliseum.
Meralco kontra Hong Kong Eastern sa 5 p.m. curtain-raiser at Barangay Ginebra versus San Miguel Beer sa 7:30 p.m. mainer.
Siguradong mainit na bakbakan ang dalawang laro – kinapapalooban ng mga elite teams na kasalukuyang pawang nasa gitna ng team standings.
Bahagyang angat ang Eastern (6-2) na nasa likuran ng top two teams NorthPort (6-1) at Rain or Shine (4-1). Tangan ng Ginebra ang 4-2 kartada samantalang 3-2 ang Meralco at 3-3 ang San Miguel Beer.
Inaasahang totodo ang lahat sa play resumption upang habulin ang Top Two na may regalong twice-to-beat advantage sa quarterfinals.
Hindi kagandahan ang simula ng Ginebra at Meralco sa tournament, pero inaasahan ang kanilang remate once makabalik ang kanilang mga injured players – pangunahin si Jamie Malonzo para sa Gin Kings at sina Allein Maliksi, Chris Banchero, Raymond Almazan at iba pa para sa Bolts.
Sa stats race individually, malaki ang focus na nakatuon kay Arvin Tolentino, ang scoring leader na malaki ang ambag sa mainit na ratsada ng NorthPort.
Nasa likuran niya sina Calvin Oftana ng TNT, Robert Bolick ng NLEX at June Mar Fajardo ng San Miguel Beer.
Inaasahan na iigting ang labanan sa second half ng Commissioner’s Cup elims.
- Latest